Ang biktima na itinago sa pangalang Myra, part-time reporter sa sports news program ng DZRB, Radyo ng Bayan, Visayas Ave., QC at accounting officer sa EVI Construction Co. sa Unit 203, Richworld Center, Estrella St., Makati City.
Samantala, kinilala rin ang suspect na si Davonn Maurice Harp, isang Fil-Am at player ng Red Bull team.
Nakasaad sa sinumpaang salaysay ng biktima na isinampa sa Prosecutors Office noong Marso 8, 2002 na noong Agosto 2000 ay na-interview niya ang nabanggit na basketbolista kayat nakilala niya ito.
Nabatid sa biktima na tinawagan siya ng suspect sa telepono noong Sept. 19, 2001 upang imbitahan sa tinutuluyan nitong condominium dahil dadalawin umano siya ng kanyang mga kaibigan at gustong makilala ang una.
Dahil sa tiwala naman ang dalaga, pinaunlakan nito ang paanyaya ng basketbolista.
Subalit nagtaka ang biktima nang nasa condominium na siya ng suspect ay wala siyang nakitang mga bisita at dadalawa lamang sila rito.
Tiwala pa rin ang babae kayat nang alukin siya ng lalaki ng juice, hindi siya nagdalawang-isip na inumin ito. Ngunit matapos itong inumin ay nakaramdam ng panghihina at pagsama ng pakiramdam kayat nagsabing magpapahinga muna siya sandali.
Inalok ng suspect na sa kuwarto na lamang magpahinga ngunit sinabi ng biktima sa sofa na lamang siya. Pumayag din ang biktima na sa kuwarto magpahinga dahil hinang-hina siya at mawawalan ng malay.
Sa kabila ng panghihina, naramdaman ng biktima na nilalamas ang buo niyang katawan at tinatanggal unti-unti ng lalaki ang kanyang damit at kahit na magpumiglas at sumigaw ay naisakatuparan pa rin ng basketbolista ang panggagahasa.
Matapos ang insidente ay nagharap siya ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Harp. (Ulat ni Lordeth Bonilla)