^

Metro

3 pulis na nanggulpi ng bagong recruit, sisibakin

-
Sisibakin sa puwesto ang tatlong bagitong lasing na pulis ng Northern Police District Office (NPDO) matapos sugurin at pagtripang bugbugin ng mga ito ang mga bagong recruit na pulis sa barracks kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Sa kabila ng pagtatangkang itago ni Sr. Insp. Cris Galvez, hepe ng District Investigation Division ang mga pangyayari sa media, nabatid na pinapaaresto ni NPDO director C/Supt. Vidal Querol ang mga nagwalang pulis na sina PO1’s Christopher Managadilis, Gilbert Balingan at Jackson Danong, pawang mga nakatalaga sa Police Patrol Unit (PPU).

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling-araw nang manggulo ang tatlong pulis sa barracks ng District Mobile Force (DMF) sa Maypajo, Caloocan City.

Nabatid na lasing na lasing sa alak ang tatlong pulis at naisipan ng mga ito na pumunta sa barracks ng DMF upang kumuha ng police trainee na kanilang pagpapraktisang bugbugin.

Ngunit pagdating ng mga suspect sa barracks ay hindi ito pinayagan ng nagbabantay na si SPO1 Dabu ng Special Weapons and Tactics (SWAT) na pumasok na siyang dahilan upang magalit ang una at magwala hanggang sa pagtulungan si Dabu.

Sa puntong ito ay naglabasan ang ibang mga training police hanggang sa magkaroon ng rambulan sa loob ng barracks at magresponde ang iba pang mga kagawad ng Malabon at Caloocan police upang mapayapa ang gulo rito.

Dahil sa kahihiyang inabot ng DMF ay pinabugbog nito ang tatlo samantalang nakatakdang sibakin sa puwesto ang mga ito. (Ulat ni Gemma Amargo)

CALOOCAN CITY

CHRISTOPHER MANAGADILIS

CRIS GALVEZ

DABU

DISTRICT INVESTIGATION DIVISION

DISTRICT MOBILE FORCE

GEMMA AMARGO

GILBERT BALINGAN

JACKSON DANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with