Mister pinatay ng lover ni misis
March 15, 2002 | 12:00am
Pinatay sa saksak ng isang kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang dating asawa ng kanyang live-in partner matapos umanong umawat ito sa away ng huli, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ang suspek na si FO2 Edgardo Enriquez, nakatalaga sa Caloocan City Fire department ay kusang-loob na sumuko kay Insp. Romeo Onte, hepe ng Station Investigation and Intelligence Division (SIID).
Samantala, sumailalim sa interogasyon ang live-in partner nitong si Carlota Fernandez.
Hindi naman umabot ng buhay sa Ospital ng Caloocan sanhi ng isang saksak sa dibdib ang biktimang si Roseller Fernandez, 38, driver at residente ng #235 Ipil St., 7th Avenue.
Ayon sa pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng A. Mabini st. malapit sa Boy Ching Woo restaurant.
Napag-alamang bago ang insidente, sina Enriquez at Carlota ay pauwi sa kanilang bahay nang mamataan ito ng biktima na umano ay lasing sa alak.
Kaagad umanong sinalubong ng biktima ang dating asawa at kinompronta na naging dahilan para magkaroon ng away.
Subalit sa halip na umawat ang suspek ay sinaksak nito ang biktima.
Ilang kapitbahay ang nakakita umano sa ginawang pagsaksak ng suspek sa biktima sa dibdib.
Kusang-loob na sumuko si Enriquez sa mga awtoridad at kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended