^

Metro

Fiscal, opisyal ng license divison timbog sa entrapment

-
Isang fiscal ng Manila Prosecutors Office at inspector ng license division ng Pasay city hall ang natimbog ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Pasay City kamakalawa.

Ang suspek na si Fiscal Pedro Salanga, 57, ng Third Division ng MPO ay inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dakong alas-4 ng hapon sa Seattles Coffee Shop sa loob ng SM Manila.

Ayon kay NBI- Asst. Regional Director ng NCRPO, Atty. Edmund Arugay na inaresto ang suspek matapos tanggapin nito ang P5,000 marked money mula sa nagrereklamong si Atty. Joel Ferrer.

Si Ferrer ay abogado ng isang kasong slight physical injuries at slander by deeds na bumagsak sa division ni Salanga.

Nagtungo si Ferrer sa tanggapan ng suspek at tinanong kung ano na ang kinahihinatnan ng kaso ng kanyang kliyente.

Nagwika umano si Salanga na agad na mailalabas ang resolusyon kung magbibigay ito ng nasabing halaga.

Pumayag ang kliyente ni Ferrer, gayunman ito ay humingi ng tulong sa tanggapan ni Arugay at dito isinagawa ang entrapment.

Samantala ang suspek namang si Ricardo Barana, 51, ng Sampaguita St., ay dinakip ng pulisya dakong alas-8 ng gabi habang kinokotongan nito ng P1,200 ang biktima na si Laila Valencia, 27.

Ayon kay Valencia,siya ay tinatakot umano ng suspek na ipapasara ang kanyang tindahan kung hindi maibibigay ang nasabing halaga.

Humingi ng tulong sa barangay ang biktima na nakipag-ugnayan naman sa pulisya na naging daan para maaresto ang suspek. (Ulat nina Ellen Fernando at Lordeth Bonilla)

AYON

EDMUND ARUGAY

ELLEN FERNANDO

FISCAL PEDRO SALANGA

JOEL FERRER

LAILA VALENCIA

LORDETH BONILLA

MANILA PROSECUTORS OFFICE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with