Ang biktima na nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital ay nakilalang si Jesus Godillo, 27, na nagtamo ng saksak sa dibdib.
Samantala, ang suspect na si Teofilo Godillo, 46, ng #156 Ignacio St., ng nasabing lungsod ay nakakulong ngayon sa Pasay City detention cell.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO4 Rodolfo Diza ng Criminal Investigation Division (CID), Pasay City police, naganap ang insidente dakong alas-5 kamakalawa ng hapon sa nabanggit na lugar.
Pinalabas umano ng biktima ng kanilang bahay ang kanilang alagang aso dahil baka dumumi ito sa loob ng bahay
Nagalit ang suspect sa biktima hanggang sa sila ay magsuntukan. Nakahagilap ng patalim ang suspect at inundayan nito ng saksak ang nakababatang kapatid.
Mabilis namang dinakip ng pulisya ang suspect at isinugod naman sa ospital ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)