Baby sitter at alaga nakatakas sa kidnappers
March 13, 2002 | 12:00am
Nakaligtas sa kamay ng apat na armadong kalalakihan ang isang batang babae na anak ng mayamang pamilya at ang yaya nito sa tangkang pagkidnap sa isang shopping mall sa Makati City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Kyla Gibson, 1 taon at 8-buwang gulang, ng #73 Amapola St., Brgy. Bel-Air, ng lungsod na ito at ang yaya nitong si Teresita Madero, 39, dalaga, nakatira sa Mauban St., Brgy. Manresa, Quezon City.
Mabilis na nagsitakas ang mga suspek na pinaniniwalaang miyembro ng kidnap-for-ransom syndicate.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-6:20 ng gabi sa likuran ng Power Plant Mall, Rockwell Center, ay pinapasyal ni Madero ang kanyang alaga nang biglang harangin ng mga suspek at puwersahang ipinasok sa loob ng isang Toyota Corolla (PMX-608) na kulay silver gray.
Habang nasa loob ang mga ito ng sasakyan, nagkaroon ng pagkakataon na mabuksan ni Madero ang bintana at nagsisigaw ito para humingi ng tulong.
Nataranta ang mga kidnaper at hindi nila namalayan na nakalabas ng sasakyan ang mga biktima.
Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa mga suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended