^

Metro

Pondo ng golf company itinakbo ng janitor

-
Wanted ngayon sa alagad ng batas ang isang janitor matapos na tangayin nito ang P250,000 na pondo ng isang kumpanya na nagdidisenyo ng golf course na kanyang iwinithdraw sa isang banko sa San Juan.

Kasalukuyang nagtatago ngayon ang suspek na nakilalang si Gerry Beltran, 29, tubong Cagayan de Oro City at stay-in sa loob ng International Golf Construction and Management Inc. sa may #193 Jesper Bldg., Wilson st., ng bayang ito.

Sa ulat ni Reynaldo Lacsamana, 29, junior field supervisor, sinabi nito na dahil sa matagal na umanong nagtatrabaho sa kanilang kumpanya ang suspek kaya ito ang pinagkakatiwalaan ng kumpanya kapag nagwi-withdraw ng pera sa kanilang banko.

Isang malaking proyekto umano ang kanilang nakuha at kailangan ng malaking halaga. Dito nila muli inatasan si Beltran na kumuha ng P250,000 halaga ng pera sa kanilang banko upang ipantustos nila sa naturang proyekto kamakalawa ng umaga.

Nagtaka umano sila nang hapon na ay hindi pa bumabalik ang suspek sa kanilang kumpanya kaya nagduda na sila rito. Tuluyan na nilang inireklamo sa pulisya ito matapos na hindi na muling bumalik sa buong magdamag.

Sinabi ng pulisya na maaaring tinangay na nga ni Beltran ang naturang malaking halaga ng salapi o puwede ring may masamang nangyari sa kanya sa pagtataglay ng naturang pera. (Ulat ni Danilo Garcia)

BELTRAN

DANILO GARCIA

DITO

GERRY BELTRAN

INTERNATIONAL GOLF CONSTRUCTION AND MANAGEMENT INC

ISANG

JESPER BLDG

ORO CITY

REYNALDO LACSAMANA

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with