^

Metro

Nepalese nandemol, nasakote

-
Isang Nepalese national ang inaresto ng pulisya nang di nito mapigilan ang sarili at dakmain ang malusog na dibdib ng isang magandang empleyada ng isang five-star hotel kahapon sa Ermita, Maynila.

Kasalukuyang pinipigil sa himpilan ng pulisya ang suspect na nakilalang si Muhit Paudel, 21, estudyante ng PATS Aeronautical Institute sa Parañaque City.

Luhaan namang dumulog sa tanggapan ni C/Insp. Marcelino Pedrozo, hepe ng Western Police District-General Assignment Section, ang biktimang itinago sa pangalang Judy, empleyada ng Sulu Hotel.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na kasalukuyang kumakain ang biktima sa Cowboy Grill kasama ang kanyang mga kaibigan, dakong 3:30 ng madaling-araw habang ang suspect kasama ang isa pang lalaki ay nakapuwesto sa kanilang likuran na kapwa lango na sa alak.

Napansin na umano ng biktima ang suspect na tingin nang tingin sa kanyang dibdib.

Nagulat na lamang ang biktima nang biglang tumayo ang suspect at walang sabi-sabi na dinakma ang kanyang dibdib.

Kaagad namang sumaklolo ang mga guwardiya ng naturang restaurant na umaresto sa suspect bago dinala sa himpilan ng pulisya. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AERONAUTICAL INSTITUTE

COWBOY GRILL

ELLEN FERNANDO

ERMITA

ISANG NEPALESE

KAAGAD

MARCELINO PEDROZO

MUHIT PAUDEL

SULU HOTEL

WESTERN POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with