^

Metro

Mag-ina dedo sa salpok ng 'Radyo Patrol'

-
Isang mag-ina ang namatay habang nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan ang asawa at isa pa nitong anak nang masagasaan ng mobile car ng radio-DZMM kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa New Era Hospital ang mga biktimang sina Estella, 35; at Paulyn Roxas, 6, mag-ina at residente ng #70 Sitio Mabilog, Tatalon Munti, QC, bunga ng matinding pagkabagok ng ulo at katawan sanhi ng malakas na pagkakabundol ng sasakyan sa mga ito.

Patuloy namang nakikipaglaban sa kamatayan ang asawa ni Estella na si Manolito, 30, at isa pa nilang anak na si Celyn, 2, na nagtamo rin ng major injuries sa iba’t ibang bahagi ng katawan bunsod ng aksidente.

Kusang-loob namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Antonio Magat, 26, ng 105 Bagong Sibol St., Marcela, Caloocan City na driver ng DZMM reporter na si Nelson Lubao.

Ayon sa CPD Traffic Sector 5, naganap ang aksidente dakong alas-5:15 ng madaling-araw sa kahabaan ng Commonwealth Ave., kanto ng Ylanan St., Q.C.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pababa mula sa dinaanang overpass ang mag-anak nang biglang sumulpot ang humahagibis na mobile car ng DZMM na may plakang UKW-455.

Nabatid na habang tinatahak ng driver na si Magat ang kahabaan ng Commonwealth papuntang Fairview ay nawalan ito ng kontrol sa manibela dahilan upang maganap ang malagim na trahedya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANTONIO MAGAT

AYON

BAGONG SIBOL ST.

CALOOCAN CITY

COMMONWEALTH AVE

ESTELLA

NELSON LUBAO

NEW ERA HOSPITAL

PAULYN ROXAS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with