Metro-police hirap kay Lumbao
March 11, 2002 | 12:00am
Sinabi ni NCRPO Chief Edgardo Aglipay na hirap ang kanyang tanggapan sa paghahanap kay Ronald Lumbao, lider ng Peoples Movement Against Poverty (PMAP).
Ayon kay Aglipay, nakipag-ugnayan siya sa tanggapan ni NBI Director Reynaldo Wycoco para tulungan silang tugisin si Lumbao.
Sinabi ni Aglipay, hanggang nakakalaya pa si Lumbao ay magsisilbing isa itong umanong malaking banta sa seguridad ng pangkasalukuyang pamahalaan.
Si Lumbao ay sinasabing sinusunod ng mga loyalista ng dating Pangulong Joseph Estrada at umanoy namuno noong Mayo 1, 2001 para patalsikin sa puwesto si Pangulong Gloria Macapagal -Arroyo.
Gayunman, sinabi ni Wycoco, kahit na marami silang malalaking kasong hinahawakan ay susuportahan niya ang kapulisan para bumagsak si Lumbao sa kamay ng batas.
Samantala, hinikayat naman ni Aglipay si Lumbao na sumuko na lamang at harapin ang kasong rebellion na isinampa dito ng pamahalaan.(Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended