Estudyante tinusok dahil hindi magbigay ng pera
March 10, 2002 | 12:00am
Isang 2nd year high school student ang sinaksak ng isang lalaking istambay dahil tumanggi itong magbigay ng pera matapos siyang kikilan ng huli sa Makati City, kahapon.
Kinilala ng pulisya, ang biktimang si Rizaldy Binasoy, 14, estudyante ng Makati City High School at nakatira sa 19-H, 11th St., Bgy. West Rembo ng nasabing lungsod. Nagtamo ito ng isang saksak sa katawan sa hindi pa malamang patalim na ginamit.
Ang suspek na tumakas ay nakilala sa alyas Bong Singayen, may sapat na gulang, at taga-Teachers compound, Fort Bonifacio, Makati City.
Ayon sa pulisya, bandang alas-11 ng umaga, sa likod ng pinapasukang eskuwelahan ng biktima ay biglang lumapit ang suspek at nanghingi ng pera at nang hindi magbigay ay sinaksak ito. Tinulungan ng barangay ang biktima at itinakbo sa ospital. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended