Misis pinilayan ng Mister dahil sa pera
March 10, 2002 | 12:00am
Pinilayan ng isang mister ang kanyang misis matapos tumanggi ang huli na bigyan siya ng perang pang-inom ng alak sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.
Paika-ikang nagpunta sa presinto ng pulisya si Winnie Galicio,29,labandera, para ipahuli ang lasenggo nitong asawang si Romuloi, walang trabaho at kapwa nakatira sa Kawal St., Purok 4, Dagat-dagatan, ng nasabing lunsod.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling araw ay kausap ng biktima ang kanyang mga magulang at kapatid nang dumating ang susuray-suray na suspek.
"Humingi ng pera binigyan ko ng P100 pero ang gusto ang buong kita ko sa labada," anang biktima.
Nagalit ang suspek kaya bumunot ito ng patalim at inundayan ng saksak ang kanyang asawa pero nakailag ito kaya ang paa niya ang tinamaan.
Gayunman, nahuli ang suspek sa kanyang pinagtataguan matapos magreklamo ang biktima sa pulisya.
Samantala, isang seaman ang namatay matapos itong barilin ng kanyang kapitbahay dahil lamang sa karaoke.
Kinilala ang biktimang si Manuel Yape, 29, ng Phase 2, Area 1, Blk, 33, Lot 13, Tumana, Dagat-Dagatan.
Ang suspek ay nakilalang si Tegue Malapit, nasa hustong gulang, kapitbahay ng biktima na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.
Napikon umano ang suspek sa biktima ng ipakuha ng una ang kanyang karaoke habang nag-iinom ang mga ito para kumanta.
Gayunman, hindi pumayag ang biktima na lumang karaoke ang gamitin nila dahil kabibili lamang nito ng bagong karaoke at gusto niyang masubukan.
Dahil dito, napikon ang suspek at bumunot ng baril. (Ulat ni June Trinidad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest