^

Metro

PNP sasanayin ng mga ekspertong French police

-
Inamin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na nakatakdang sumailalim sa pagsasanay ang mga kagawad ng PNP para sa bacterial at chemical warfare sa ilalim ng French experts bilang bahagi ng internasyonal na pagkilos laban sa terorismo.

Sinabi ni Dir. Florencio Fianza, hepe ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), ang pamahalaang France at General dela Police Nationale ay nag-alok sa PNP na ibahagi sa kanila ang kaalaman sa pagharap sa banta ng bio-chemical terror kaugnay na rin ng naganap na Sept. 11 attack.

Sinabi ng mga opisyal ng France, ang pagsasanay sa bacterial at chemical warfare ay magbibigay sa mga pulis ng kasanayan at galing para mapigil ang pagpasok ng anthrax virus.

Mamimili ang mga ito, ng ilang piling PNP sa paghawak ng terrorism psychology at pag-aaral ng mga estratehiya laban sa Jihad at mga Al-Qaeda terror networks. (Ulat ni Doris Franche)

AL-QAEDA

DORIS FRANCHE

FLORENCIO FIANZA

INAMIN

MAMIMILI

PERSONNEL AND RECORDS MANAGEMENT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE NATIONALE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with