Estudyante na bumagsak sa subject, nagbigti
March 9, 2002 | 12:00am
Isang grade 5 pupil ang nagbigti sa takot umano na malaman ng kanyang mga magulang na bumagsak ito sa isang subject sa eskuwelahan.
Ang biktima ay nakilalang si Royce Allen Singson, 11, estudyante ng Tambo Elementary School at nakatira sa 0281 Dallas St., Bgy. Pildera 1, Pasay City. Idineklarang patay ang biktima nang dalhin sa San Juan de Dios Hospital matapos siyang magbigti sa loob ng kanilang bahay.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Fernando Escol, ng Criminal Investigation Division (CID), Pasay City Police, dakong alas-8 kamakalawa ng gabi nang malamang nagpakamatay si Singson.
Sinabi ni Escol na bumagsak umano sa isang subject ang biktima kaya sa takot umano nito sa kanyang mga magulang na malaman ang nangyari ay nagdesisyon itong magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang kurdon ng plantsa.
Sinabi ni Escol, nakita ni Mark Joseph Upong, 7, kapitbahay ng biktima ang ginawang pagpapakamatay nito.
Dahil dito, mabilis na inalis ng mga kapitbahay ng biktima ang kurdon ng plantsa sa leeg ni Singson at isinugod sa ospital.
Samantala, hindi umano makausap ng mga awtoridad ang ina ng bata dahil nasa state of shock pa umano ito.
Napag-alamang madalas na naiiwan ang biktima sa kanilang bahay dahil kapwa may trabaho ang mga magulang nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended