^

Metro

Pulis-tsupa, masisipa

-
Nasa hot water ang isang opisyal ng Western Police District (WPD) Station 3 dahil sa reklamo ng isang ginang na balikbayan na pinuwersa umano siyang isubo ang ari ng una kapalit ng kanyang kalayaan matapos siyang hulihin sa reklamong nagtutulak siya ng droga.

Iniutos ni WPD Director Nicolas Pacinos, na disarmahan si WPD P/Insp. Joselito Binayog, hepe ng WPD Drug Enforcement Unit, Station 3, sa Central Market, Maynila.

Si Binayog ay inireklamo ni Ancar Fojas Hubbard, 39, balikbayan at nakatira sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Hubbard, sapilitang pina-tsupa ni Binayog ang kanyang ari sa isang motel ng mahuli ito kapalit ng kanyang kalayaan dahil inireklamo umano siyang tulak ng shabu.

Gayunman, sinabi ni Hubbard na hindi siya nagahasa ni Binayog sa takot na mahawa ito dahil sinabi niyang may-sakit siya kaya ang ginawa na lamang ng pulis ay pinilit siya na isubo ang ari nito.

Ayon kay Hubbard, hinuli siya ni Binayog kasama ang tatlo pa nitong kasamahan ng bandang alas-12 ng madaling-araw sa isang hotel.

Sinabi ng biktima, agad siyang dinala sa presinto para imbestigahan pero inilabas siya muli ni Binayog at dinala sa Vinta Lodge.

"Pinaligo pa niya ako pagkatapos ay biglang pinatungan pero nilansi ko siya na baka mahawa siya sa sakit ko kaya ang ginawa ng gagong ito pinasubo niya ang kanyang ari," ani Hubbard. (Ulat ni Andi Garcia)

ANCAR FOJAS HUBBARD

ANDI GARCIA

AYON

BINAYOG

CENTRAL MARKET

DIRECTOR NICOLAS PACINOS

DRUG ENFORCEMENT UNIT

HUBBARD

JOSELITO BINAYOG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with