^

Metro

Droga malayang naipupuslit sa Correctional

-
Ibinulgar kahapon ng isang preso ng Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City ang malayang pagpupuslit umano ng shabu at iba pang iligal na droga sa loob ng mga selda ng mga dalaw ng mga ‘espesyal’ na inmates.

Sinabi ng informant na isang presong alyas Baby, may kasong illegal recruitment, ang kinukuhanan umano ng droga ng mga dupang na preso upang kanilang gamitin.

Ayon dito, may palagay silang asawa ni Baby ang nagpapasok ng droga sa kulungan.

Sabi ng source, wala pa umanong isinasagawang imbestigasyon si Dr. Zoraida Ocampo, OIC, para matigil na daw ang pot session na nangyayari sa mga selda.

Ayon sa source, may special treatment umano ang mister ni Baby dahil hindi ito dumadaan sa regular na inspeksyon at umaabot ng hanggang madaling araw umano ang pagdalaw nito.

Sabi ng source, ganito rin umano ang trato kay Yu Yuk Lai, ang shabu queen dahil nag-iisa lamang ito sa kanyang selda at may telebisyon pa.

Gayunman, sinabi ni Dr. Ocampo, walang VIP treatment sa nasabing lugar at wala din daw pot session na nangyayari sa loob nito dahil regular ang guwardiya sa pag-iikot sa mga selda.

Ayon kay Ocampo, mag-isa lamang si Lai sa kanyang selda dahil kaso umano ito ng overcrowding at wala pang paglilipatan dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

AYON

CORRECTIONAL INSTITUTE

DANILO GARCIA

DR. OCAMPO

DR. ZORAIDA OCAMPO

GAYUNMAN

IBINULGAR

MANDALUYONG CITY

SABI

YU YUK LAI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with