Positibong itinuro ng biktimang itinago sa pangalan Judy, estudyante at nakatira sa may Bgy. Potrero ng nasabing lungsod ang naarestong suspek na si Benjamin Andres, 50, may-asawa, negosyante at nakatira sa Macabagdal st., Caloocan City.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang umanoy panggagahasa ng suspek sa biktima dakong alas-11 ng gabi noong Marso 1, sa loob ng Vinta Lodge sa nabanggit na lugar.
Napag-alaman na bago nangyari ang insidente dumating ang suspek sa bahay ng biktima at niyaya ng una ang huli na sumama sa kanya para bumili ng pagkain di kalayuan sa kanilang lugar.
Habang nasa daan sakay ng isang sasakyan ay nakaramdam ng uhaw ang biktima kaya nagpabili ito kay Andres ng maiinom.
Sabi ng biktima, matapos siyang uminom ng softdrink ay nakaramdam siya ng pagkahilo at pagka-antok at ng magising ay nasa loob na sila ng nasabing motel at doon na hinalay ng suspek.
Matapos makaraos ang suspek ay mabilis siyang inihatid sa kanilang bahay na parang walang nangyari.
Gayunman, kahapon lamang isinumbong ng biktima sa kanyang tiyahin ang ginawa ng amain kaya agad silang nagtungo sa himpilan ng pulisya at pinahuli si Andres.
Samantala, nasakote ng mga awtoridad ang isa sa tatlong sinasabing hired-killer na pumatay sa isang Caloocan police may dalawang taon na ang nakakaraan habang parang dagang naglulungga sa kanyang safehouse sa 4th Ave., Caloocan City.
Kinilala ni S/Supt. Benjardi Mantele, hepe ng Caloocan City Police ang suspek na si Romeo Malapo, alyas "Nong-Nong," ng BMBA Compound nasabing lugar.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Bayani Rivera,ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 129.
Si Malapo kasama sina Vicente Bongcayao at Rolando de Guzman na pawang nakakalaya pa ang nagtulung-tulong para patayin si PO1 Ronaldo Andre noong Hunyo 3, 2000 sa BMBA compound. (Ulat ni June Trinidad)