^

Metro

DOTC Secretary kinasuhan sa Ombudsman

-
Para pigilan ang kumpirmasyon ng appointment ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Pantaleon Alvarez, sinampahan ito ng kasong anti-graft sa tanggapan ng Ombudsman ng civil society group na nakabase sa Baguio City.

Sinabi ni Freddie Farres, executive director ng "Linis Gobyerno", kaya nila sinampahan ng mga kaso si Alvarez ay dahil sa pagkunsinti umano nito sa ilang katiwaliang nangyayari sa Cordillera Administrative Region ng DOTC, ang hindi umano pag-aksyon ng opisina nito sa mga colorum vehicles na illegal na nag-ooperate sa nasabing rehiyon at ang umano’y multi-million halaga ng mga computer at ilang iregularidad na may kinalaman sa traffic enforcement.

Napag-alaman, ang Linis Gobyerno ay isang grupo ng civil society na nakabase sa Baguio at kalaban ng mga corrupt sa pamahalaan.

Nais ng grupo na pigilan ang kumpirmasyon ni Secretary Alvarez sa Commission on Appointment (CA).

Aapela ang nasabing grupo sa CA na huwag palusutin si Alvarez bilang Secretary ng DOTC. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AAPELA

ALVAREZ

BAGUIO CITY

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

FREDDIE FARRES

LINIS GOBYERNO

LORDETH BONILLA

SECRETARY ALVAREZ

SECRETARY PANTALEON ALVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with