Epileptic sinumpong habang nagsu-swimming, lunod

Nasawi ang isang umano’y epileptic na dalagita matapos itong sumpungin ng kanyang sakit habang nagsu-swimming sa dagat sanhi para malunod ito, kamakalawa ng umaga sa Navotas.

Dead-on-arrival sa Navotas Lying-in clinic ang biktimang kinilalang si Rochelle Planas, 16, ng Gulayan Concepcion, Malabon City.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Noel Banares ng Navotas police, dakong alas-12 kahapon ng madaling-araw nang lumutang ang bangkay ng biktima sa dagat ng Polo, Tanza, ng nasabing bayan.

Nabatid na noon pang linggo ng umaga nag-swimming ang pamilya ng nasawi sa nasabing dagat at hindi namalayan ng mga kamag-anak nito na nakalayo na si Planas sa gitna ng dagat hanggang sa tuluyan na nila itong hindi makita.

Kaagad umano nilang ipinagbigay-alam sa pulisya ang pagkawala ng kanyang pamangkin hanggang sa lumutang na lamang ang bangkay nito kahapon ng madaling-araw. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments