2 paslit tiklo sa droga

Dalawang bata ang hinuli ng pulisya matapos mahuli sa aktong bumbili ng umanoy shabu sa isang lugar sa isang lugar sa Makati City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Makati City Police Insp. Gary Reyes, hepe ng Drug Enforcement Unit (DEU), ang mga suspek na sina alyas JC, 12, at pinsan nitong si Rome, 10, grade 2 pupil kapwa residente ng Bgy. Sta. Cruz, Makati City.

Ayon sa pulisya, inutusan umano ni Cecile Arcilla, ina ni Rome ang dalawang bata na bumili ng 2.5 gramo ng shabu na may P4,000 halaga sa may Katon St., ng nasabing barangay.

Ang shabu na pinabili sa mga suspek ay ibinenta naman sa isang adik na naghihintay sa mga bata.

Napag-alaman, under surveillance na pala si Cecile ni Ciriaco Cardena, isang bgy. tanod sa kanilang lugar dahil sa mga ulat na ito umano ay isang ‘tulak’.

Nang dumating ang mga batang dala umano ang pinabiling shabu ay agad itong hinuli ni Cardena at dinala sa police station. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments