Dahil sa pagkadismaya ng kapatid ng biktima na si Mayor Reynaldo Parojinog sa imbestigasyon ng WPD gusto nitong ilipat sa NBI ang kaso dahil wala man lamang umanong follow-up na isinasagawa para sa ikalulutas ng kaso.
Magugunitang si Parojinog ay tinambangan ng dalawang hindi kilalang suspek habang pasakay ng taxi noong Enero 15 sa United Nations Ave., Ermita, Maynila.
Si Parojinog kasama ang dalawang bodyguard nito ay hinarang ng mga suspek sakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril. Naisugod ang biktima sa ospital pero ilang oras ay namatay din ito.
Gayunman, naniniwala si Mayor Parojinog na pulitika ang motibo ng pamamaslang sa kanyang kapatid at hindi umano ang pagiging founder at miyembro ng Kuratong Baleleng.
"Marami kasi ang kandidato sa aming lugar sa 2004 kaya maraming naiingit sa amin dahil sa magagandang proyekto naming magkapatid," ani Mayor Parojinog. (Ulat ni Ellen Fernando)