^

Metro

Parojinog ambush case ipinalilipat sa NBI

-
Hiniling ng pamilya ng pinaslang na Misamis Occidental Board member Renato Parojinog na mailipat sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso dahil sa kabagalan ng imbestigasyon ng Western Police District (WPD).

Dahil sa pagkadismaya ng kapatid ng biktima na si Mayor Reynaldo Parojinog sa imbestigasyon ng WPD gusto nitong ilipat sa NBI ang kaso dahil wala man lamang umanong follow-up na isinasagawa para sa ikalulutas ng kaso.

Magugunitang si Parojinog ay tinambangan ng dalawang hindi kilalang suspek habang pasakay ng taxi noong Enero 15 sa United Nations Ave., Ermita, Maynila.

Si Parojinog kasama ang dalawang bodyguard nito ay hinarang ng mga suspek sakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril. Naisugod ang biktima sa ospital pero ilang oras ay namatay din ito.

Gayunman, naniniwala si Mayor Parojinog na pulitika ang motibo ng pamamaslang sa kanyang kapatid at hindi umano ang pagiging founder at miyembro ng Kuratong Baleleng.

"Marami kasi ang kandidato sa aming lugar sa 2004 kaya maraming naiingit sa amin dahil sa magagandang proyekto naming magkapatid," ani Mayor Parojinog. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ELLEN FERNANDO

KURATONG BALELENG

MAYOR PAROJINOG

MAYOR REYNALDO PAROJINOG

MISAMIS OCCIDENTAL BOARD

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RENATO PAROJINOG

SI PAROJINOG

UNITED NATIONS AVE

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with