P3-M robbery nalutas sa loob ng 24 oras
March 3, 2002 | 12:00am
Sa loob lamang ng 24 oras, matagumpay na nalutas ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang naganap na P3M robbery sa Quezon City nitong Huwebes matapos na maaresto ang mastermind ng pinaghihinalaang big-time robbery gang at mga tauhan nito sa isinagawang serye ng operasyon sa Metro Manila at Tuguegarao City.
Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Nestorio Gualberto ang naarestong utak ng grupo na si Michael Macalma.
Kabilang pa sa mga suspek ay ang nag-Hudas na driver ng dalawang negosyante na tumangging magpabanggit ng mga pangalan, na kinilalang si Andy Naidas na nakipagsabwatan sa pinsan nitong si Joseph Baldomir, Charlie Young, Julius Lapada, Maria Salvacion at isang alyas Noel sa naganap na nakawan.
Sinabi ni Gualberto na ang mga suspek ay magkakasunod na naaresto sa Metro Manila at Tuguegarao City matapos na ikanta ng driver na si Naidas.
Ayon sa imbestigasyon, minamaneho ni Naidas ang Mitsubishi Spacewagon ng kanyang mga amo sa kahabaan ng Batasan Hills, Quezon City noong Huwebes nang bigla na lamang nitong ihinto ang sasakyan.
Sumulpot ang mga armadong suspek at puwersahang pumasok sa nasabing behikulo. Tinutukan ng baril ng mga suspek ang dalawang negosyanteng lulan ng sasakyan at nakuha sa mga ito ang P320,000 cash, P20,000 halaga ng mga alahas, cellphones at mga bank books.
Nang makitang naglalaman ng malaking halaga na umaabot sa P2.2M ang bank book ng isa sa mga biktima ay puwersahan itong pinapirma sa isang blangkong withdrawal slip para makuha nila ang pera nito sa Rizal Commercial Banking Corp. sa sangay nito sa Quezon City.
Ayon sa salaysay ng mga biktima sa CIDG, piniringan umano sila ng mga suspek, pinosasan at nilagyan ng tape ang bibig para di makasigaw kung saan ay ibinaba sila ng mga ito sa hangganan ng Plaridel, Bulacan.
Kaagad inatasan ni Gualberto si P/Supt. Agripino Javier, chief ng Criminal Investigation and Detection Unit na imbestigahan ang driver na nagresulta sa pag-amin nito sa pakikipagsabwatan sa mga suspek.
Nagsagawa ng operasyon ang mga elemento ng PNP-CIDG na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong robbery-in-band laban sa mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended