Pamilya Picar kinasuhan ng murder

Sinampahan ng kasong murder at 2 counts na attempted murder sa Las Piñas City Prosecutor’s Office ang pamilya Picar na umano’y responsable sa pamamaril at pagpatay sa dating child actress na si Strawberry noong nakalipas na taon sa Las Piñas City.

Ang nagsampa ng kaso sa Prosecutor’s Office ay ang PNP-CIDG laban kina Corazon at Reynaldo Picar, mag-asawa. Kabilang din sa kaso ang mga anak nitong sina Glen, Reynold, Ryan at isa pang John Doe.

Matatandaan ang pagpatay kay Strawberry ay unang ibinintang kay Mark Doromal. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments