^

Metro

Empleyado ng ospital nag-aklas

-
May 1,000 empleyado ng Metropolitan General Hospital(MGH) ang nag-aklas dahil sa panloloko umano ng management ng nasabing ospital kaya naparalisa ang serbisyo nito sa mga pasyente.

Sinabi ni Emmanuel Reyes, pangulo ng MGH Employees Association (MGHEA), sobra na umano ang ginagawang panloloko sa kanila ng pamunuan ng ospital dahil hindi nila makuha ang benepisyong para sa kanila partikular ang 13 month pay, christmas bonus at hindi pagre-remit ng kompanya ng kanilang Social Security Service (SSS) at Pag-ibig.

Sinabi ni Reyes, tulad niyang nurse sa MGH ang hindi nabigyan ng mga benipisyo at pribilehiyo ang mga nag-welga.

Ayon kay Reyes, maraming beses nilang tinangkang kausapin ang management ng MGH para maayos na ang kaso pero wala ring nangyayari.

Ang MGH ay pag-aari ni Jose Go pero ang anak nitong si Joel ang siyang nagpapatakbo ng ospital.

Gayunman, sinabi ni Reyes dahil sa paglaban niya sa MGH management ay sinibak siya sa tungkulin sa pag-aakalang siya ang namumuno sa unyon. (Ulat ni Ellen Fernando)

AYON

ELLEN FERNANDO

EMMANUEL REYES

EMPLOYEES ASSOCIATION

GAYUNMAN

JOSE GO

METROPOLITAN GENERAL HOSPITAL

REYES

SINABI

SOCIAL SECURITY SERVICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with