^

Metro

Business partner ni Golez, arestado sa baril

-
Inaresto ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang isang lalaki na nagpakilalang kasosyo umano ni National Security Adviser Roilo Golez matapos na mahulihan ng matataas na kalibre ng baril nang sitahin ito dahil lamang sa simpleng paglabag sa batas trapiko, sa Nagtahan, Sta. Mesa Maynila, kahapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Benjamin Kintanar Jr., ng Parañaque City at ang driver nitong si Rolando Buenaflor.

Habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa nakukumpirma ng pulisya kung lisensyado ang dala nilang HKMP5 at dalawang kalibre .45 pistol.

Base sa ulat ng pulisya, nakasakay sa isang Lincoln Navigator na walang plaka ang mga ito ng habulin sila ng mobile car dahil sa paglabag sa trapiko.

Ayon pa sa pulisya, nagsisigaw umano si Kintanar na business associate ni Golez ng tumigil sila matapos silang masukol ng mobile patrol car.

Matapos silang sitahin at rekisahin ang nasabing sasakyan nakita ng mga pulis ang mga baril kaya inimbita ang dalawa sa presinto. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

BENJAMIN KINTANAR JR.

ELLEN FERNANDO

GOLEZ

HABANG

LINCOLN NAVIGATOR

MESA MAYNILA

NATIONAL SECURITY ADVISER ROILO GOLEZ

ROLANDO BUENAFLOR

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with