Kaagad inalis sa puwesto si C/Insp. Melvin Moncal bilang hepe dahil sa umanoy command responsibility nito.
Samantala, dinisarmahan at itinalaga sa District Headquarters Support Unit (DHSU) bagamat release for further investigation sina SPO1 Danilo Factor, PO3 Roberto Bombita at PO1 Reynaldo Ferrer.
Gayunman, hiniling ni Bayan Muna Party List Rep. Liza Maza, dating lider ng Gabriela, na dapat nang kumilos si PNP Chief Leandro Mendoza dahil tumataas na naman ang bilang ng mga sextortionists sa kapulisan.
"This is not the first time that such cases of sexual abuse done by elements of the PNP have been reported," ani Maza.
Hindi umano sapat na tanggalin lamang sa kanilang serbisyo ang mga abusadong pulis kundi dapat ding kasuhan ang mga ito.
Samantala, isasailalim sa summary dismissal ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang mga nasabing pulis na lumamutak umano kay Mely Bergonia, 23.
Inatasan ni NAPOLCOM Vice Chairman at Executive Officer, (Ret.) General Rogelio Pureza si Atty. Antonio Salazar, hepe ng Inspection Monitoring and Investigation Service (IMIS) na magsagawa ng isang masusing imbestigasyon hinggil sa ginawa ng mga suspek sa biktima.
Dahil sa pangyayaring ito, papatawan ng mabigat na parusa ng NAPOLCOM ang mga nasabing suspek. (Ulat nina Ellen Fernando, Malou Escudero at Lordeth Bonilla)