^

Metro

NBI agents pinakakastigo ng abogado ni Bro. Ely

-
Sumugod kahapon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang abogado ng spiritual leader ng Ang Dating Daan para hilingin nito kay NBI Chief Reynaldo Wycoco na kastiguhin ang mga ahente nitong iligal na nagsilbi ng warrant of arrest.

Si Atty. Leonard de Vera, dating tagapagsalita ng Integrated Bar of the Philippines at ngayon ay abogado ni Ely Soriano ay nagtungo sa opisina ni Wycoco para hilingin dito na mag-imbestiga at kastiguhin ang mga NBI agents na pumasok sa bahay ni Bro. Ely sa Apalit, Pampanga ng wala sa oras para i-serve ang nasabing warrant.

Sinabi ni de Vera, muntik ng umanong mamatay ang ina ni Soriano dahil daw sa violent means ng pagsisilbi ng warrant of arrest.

Gayunman, siniguro ni Wycoco na magsasagawa siya ng imbestigasyon hinggil sa nasabing isyu.

Matatandaan, noong Pebrero 2, dakong alas-3 ng madaling araw pinasok ng mga NBI agents ang bahay ni Soriano sa loob ng ADD Convention Center sa nasabing lugar at pilit itong inaaresto pero ang hindi alam ng mga awtoridad ay piyansado na pala si Bro. Ely sa nasabing kasong libel. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANG DATING DAAN

CHIEF REYNALDO WYCOCO

CONVENTION CENTER

ELLEN FERNANDO

ELY SORIANO

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SI ATTY

SORIANO

WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with