Ayon kay Soliman, ang smoking ban ay dapat ipaskel sa lahat ng public places kabilang dito ang pampublikong sasakyan at iba pa, para maiwasan ang dulot ng masamang usok sa kalusugan ng mamamayan.
Ang smoking ban sa mga pampublikong lugar aniya ay nakasaad sa batas bilang Clean Air Act na dapat ipatupad.
Sinabi ni Soliman, kahit na nakapaskel sa mga pampublikong lugar ang smoking ban hindi aniya ito pinatutupad ng LGUs sa kanilang nasasakupang lugar.
"Grabe din ang polusyon mula sa usok ng nagsisigarilyo kawawa naman iyong iba na hindi naninigarilyo baka sila pa ang magkasakit," ani Soliman. (Ulat ni Jhay Mejias)