^

Metro

Ginang 'nilamutak' ng 3 pulis

-
Tatlong kagawad ng Western Police District (WPD) ang nahaharap na naman sa kaso ng pang-aabuso matapos na ireklamo ng isang 23-anyos na ginang ng tangkang panggagahasa sa loob mismo ng isang police detachment makaraang bagansiyahin sa Luneta, Maynila.

Pormal na nagsampa ng kasong kriminal at administratibo sa tanggapan ni WPD Director Chief Supt. Nicolas Pasinos Jr., ang biktima na tinago sa pangalang Rose, ng Greenland Subd., Cainta Rizal, kasama ang kanyang mister na si Valentino.

Samantala, kaagad naman dinisarmahan ang mga pulis na kinilalang sina SPO2 Danilo Factor y Lladonez, at PO3 Roberto Bombita y Mayones, pinaghahanap naman si SPO1 Reynaldo Ferrer, ang mga ito ay pawang nakatalaga sa Luneta Police Detachment ng WPD Station 5.

Ayon sa salaysay ng biktima dakong alas-11:20 ng gabi ng magpunta silang mag-asawa sa Luneta para magpahangin.

Dahil nagkaroon ng tampuhan ang mag-asawa lumayo si Rose kay Valentino na noon ay natutulog upang magpalipas ng sama ng loob.

Gayunman, dumating ang mga suspek sakay ng isang mobile patrol at pilit pinasakay si Rose kasama ang siyam na kababaihan na binagansya ng mga ito.

Pagdating sa presinto kinotongan pa umano ng mga suspek ang mga naarestong babae ng tig-P100 para makalaya pero walang naibigay si Rose dahil wala itong dalang pera kaya naiwan ito sa loob ng kulungan.

Pinalabas si Rose sa selda pagkatapos ay dinala umano ito sa isang airconditioned room at saka tinalian umano ng panyo ang bibig, paa at saka hinubaran.

Tinangka pa umano ng mga suspek na gahasain ito pero nagbago ang kanilang isip nang makitang may regla si Rose kaya nilamutak na lamang umano nila ang katawan nito. Matapos magpasasa ibinalik ang biktima sa selda at dakong alas-5:30 ng madaling araw ay pinalaya ito.

Samantala, ikinuwento ng biktima sa kanyang asawa ang buong pangyayari kaya nagdesisyon ang huli na ireklamo sila sa opisina ni Pasinos. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

CAINTA RIZAL

DANILO FACTOR

DIRECTOR CHIEF SUPT

ELLEN FERNANDO

GREENLAND SUBD

LUNETA

LUNETA POLICE DETACHMENT

NICOLAS PASINOS JR.

REYNALDO FERRER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with