^

Metro

Isyung pangugulpi ni Joey, pang-depensa ni Alma

-
Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Hernando Perez na maaaring gamitin ng aktres at unang ginang ng Parañaque City na si Alma Moreno ang umano’y pananakit sa kanya ni Parañaque City Mayor Joey Marquez para gamiting depensa sa kanilang annulment case.

Sa Family Code, maaaring gamitin ang isyu ng pananakit ng isang mister sa kanyang maybahay para sa legal separation o pagpapawalang-bisa ng kasal.

Isinusulong nina Moreno at Marquez ang kanilang paghihiwalay dahil sa umano’y pagkakaroon ng kalaguyo ni Alma na si Julian Say habang si Joey ay inakusahan naman dahil sa umano’y pambubugbog nito.

Ayon kay Perez, nagbigay ng katiyakan si Moreno sa kanya na walang anumang sabwatan silang mag-asawa para sa pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal na inihain sa piskalya sa Parañaque.

Sabi ni Perez, dadaan sa piskalya ang isang kaso ng annulment at obligado ang isang piskal na masiguro na walang sabwatan sa pagitan ng mag-asawa na nagnanais na magsulong ng kanilang paghihiwalay.

"Sa ilalim ng batas may partisipasyon ang piskal sa isang kaso patungkol sa annulment ng kasal. Ang sabi ni Alma walang sabwatan, tinitiyak niya sa amin na kung matutuloy man ang kaso ito ay dahil sa desidido sila pero walang sabwatan," ani Perez.

Umaasa naman si Perez na magkakasundo pa ang mag-asawa dahil ayaw niyang maging instrumento ng kanilang paghihiwalay. Sinabi ni Perez na ang unang maaapektuhan ng kanilang paghihiwalay ay ang kanilang mga anak.

Sinabi ni Perez, kung wala ng ibang paraan para maisalba pa nila ang kanilang kasal ay doon lamang nila dapat isulong ang kanilang paghihiwalay. (Ulat ni Grace Amargo)

ALMA MORENO

CITY MAYOR JOEY MARQUEZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRACE AMARGO

JULIAN SAY

KANILANG

MORENO

PARA

PEREZ

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with