Kinilala ni P/Supt. Antonio Aguilar, hepe ng Criminal Investigation Division ng Eastern Police District ang suspek na si Basilio Caubalijo, isang stuntman, ng Novaliches, Quezon City.
"Pulis na pulis ang dating ni Caubalijo nang masita ng mga pulis ko alam mo naman matindi ang security ngayon porke nasa loob ng simbahan sina Pangulong Arroyo at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno," ani Aguilar.
Ayon kay Caubalijo, galing siya sa shooting kaya nakasuot pulis siya nawala sa isip niyang hubarin ito sa pagod.
"Gusto kong magdasal kaya papasok ako sa simbahan pero wala akong tangkang gumawa ng gulo," ani Caubalijo.
Sabi ni Aguilar, hindi puwede ang palusot ni Caubalijo kaya sasampahan siya ng kasong usurpation of authority at iligal na paggamit ng uniporme ng pulis at isignia sa Pasig City Prosecutors Office. (Ulat ni Non Alquitran)