^

Metro

Pekeng pulis na sinabayan si GMA sa simbahan, dinakip

-
Nabigla nang dakmain ng pulisya ang isang 33-anyos na stuntman dahil nag-damit parak ito habang papasok sa simbahan para sumamba, nasa loob at nagdarasal din sina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at mga top brass government officials sa EDSA Shrine, Mandaluyong City, kahapon.

Kinilala ni P/Supt. Antonio Aguilar, hepe ng Criminal Investigation Division ng Eastern Police District ang suspek na si Basilio Caubalijo, isang stuntman, ng Novaliches, Quezon City.

"Pulis na pulis ang dating ni Caubalijo nang masita ng mga pulis ko alam mo naman matindi ang security ngayon porke nasa loob ng simbahan sina Pangulong Arroyo at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno," ani Aguilar.

Ayon kay Caubalijo, galing siya sa shooting kaya nakasuot pulis siya nawala sa isip niyang hubarin ito sa pagod.

"Gusto kong magdasal kaya papasok ako sa simbahan pero wala akong tangkang gumawa ng gulo," ani Caubalijo.

Sabi ni Aguilar, hindi puwede ang palusot ni Caubalijo kaya sasampahan siya ng kasong usurpation of authority at iligal na paggamit ng uniporme ng pulis at isignia sa Pasig City Prosecutor’s Office. (Ulat ni Non Alquitran)

AGUILAR

ANTONIO AGUILAR

BASILIO CAUBALIJO

CAUBALIJO

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

EASTERN POLICE DISTRICT

MANDALUYONG CITY

NON ALQUITRAN

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PASIG CITY PROSECUTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with