Grenade bomber nanakot sa Malabon, nasakote
February 25, 2002 | 12:00am
Dahil sa pagkakasibak sa trabaho isang lalaki ang umanoy nawala sa sarili ang inaresto ng pulisya matapos nitong tangkaing ihagis ang dalang granada kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Si Fernando Cruz, may asawa, dating motel bellboy sa Tondo,Manila ay pinahuli ng mga residente ng Barangay Tugatog dahil sa dala nitong granadang ihahagis sa mga tao.
Gayunman, hindi nagawang ihagis ng suspek ang granada at matiwasay itong sumuko kay Barangay Chairman Tato ng dakong alas-10:30 ng gabi sa panulukan ng Rivera at Sanchez St., na nasabing lugar.
Natakot umano ang mga residente dito nang biglang maglabas ang suspek ng granada. Nakita nila itong walang kibo habang naglalakad at mukhang may malalim na iniisip.
Ayon sa pulisya nadagdag sa takot ng mga residente dito ang nangyaring pagsabog ng rifle granade kamakailan na ikinasawi ng 3 bata at pagkasugat ng 7 katao.
Si Cruz, ay kasalukuyang kinulong ng pulisya sa kasong paglabag sa PD 1866 o illegal possession of explosives. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended