Japanese national nagbaril sa sarili
February 24, 2002 | 12:00am
Isang 64-anyos na Japanese national ang natagpuang patay matapos magbaril sa sarili dahil hindi umano niya matanggap na may taning na ang kanyang buhay matapos niyang malaman na siya ay may cancer.
Ang biktima ay si Yasuo Fujita, ng Naninku-Albucho, Osaka, Japan at pansamantalang nakatira sa Boulevard Mansion sa Roxas Blvd., Manila.
Sa ginawang pagsisiyasat ni Det. Steve Casimiro ng WPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng tanghali sa Rm. 404 ng nasabing hotel.
Isang putok ng baril ang narinig ng mga kawani ng hotel kaya tumawag sila ng pulis para alamin ang nangyaring insidente.
Napag-alaman na isang 9mm pistol ang ginamit ng biktima. May tama ito sa likurang bahagi ng kanyang ulo ayon sa pulisya.
Sinasabing may kanser sa tiyan si Fujita at may taning na umano ang buhay niya kaya sa tindi ng sakit na nararamdaman nito ay ipinasya niyang magpakamatay.
Ang labi ni Fujita ay inilagak pansamantala sa Tres Amigos funeral parlor habang hinihintay nito ang mga kamag-anakan na kukuha ng kanyang bangkay. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest