Pajero ng anak ni Gen. Acop, kinarnap
February 24, 2002 | 12:00am
Hindi tinantanan ng mga karnaper ang bagong upong hepe ng Eastern Police District (EPD) nang muling umatake ang mga ito at tangayin ang luxury vehicle ng anak ni PNP Director Reynaldo Acop sa isang lugar sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang biktimang si Rolando Acop, may-asawa, negosyante, ng Antipolo City. Nakuha ng mga karnaper ang pulang Mitsubishi Pajero, may plakang XCY-222.
Sa salaysay ni Acop, pinarada umano niya ang sasakyan sa tapat ng isang banko malapit sa Poveda Learning Center dakong alas-9:15 ng gabi. Dahil may guwardiya sa nasabing lugar, tiwala ang una na walang mangyayari sa kanyang Pajero at naglakad na lamang papuntang Robinsons Galleria para manood ng sine kasama ang kanyang mga kaibigan.
Laking gulat na lamang ni Acop nang bumalik sila sa paradahan at makitang wala na ang kanyang Pajero at hindi naman makapagbigay ng paliwanag ang guwardiya kung paano ito nakuha ng mga karnaper.
Ayon kay Acop, imposibleng matangay ang kanyang sasakyan nang hindi umalarma ang kanyang Pajero dahil may alarm device aniya ito.
Samantala, iniutos ni EPD Chief Senior Supt. Rolando Sacramento sa kanyang mga tauhan na hanapin sa lalong madaling panahon ang sasakyan ng anak ni Acop.
Matatandaan na natangayan rin ng Toyota Land Cruiser si Senador John Osmeña noong nakaraang buwan habang nakaparada ito sa tapat ng EDSA Shangri-la Plaza para dumalo sa isang pulong.
Gayunman, agad itong nabawi ng mga awtoridad matapos iwanan ng mga karnaper ang sasakyan ni Osmeña sa isang lugar sa Quezon City. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended