Sa ulat na isinumite ni DepEd Administrative Service Director Maximo Aljibe kay Secretary Raul Roco, hindi pa nababayaran ng COMELEC ang mga guro sa National Capital Region (NCR)at sa Region 3, 4, 7,10 at 11.
Kasama sa ulat sa Division of Caloocan City, umaabot sa P884,400 ang utang ng COMELEC sa mga guro dito.
Hiniling ni Undersecretary Ramon Bacani kay Comelec Chairman Alfredo Benipayo na bayaran nito ang mga honorarium ng mga guro sa loob ng 30 araw.
May nilagdaan Memorandum of Agreement (MOA)ang magkabilang panig kaugnay sa P900 bayad kada araw bilang serbisyo ng mga guro at non-teaching personnel sa eleksyon.
Babayaran ng P900 cash ang bawat guro ng Comelec sa unang araw nila habang ang balanse ay ibibigay matapos na isumite ang mga ballot boxes sa kanila. (Ulat ni Danilo Garcia)