^

Metro

Milyon pisong utang ng COMELEC sa mga titser, nabuking

-
Hinahabol ng Department of Education(DepEd) ang milyon pisong pagkakautang pa ng Commission on Elections (COMELEC) matapos mabuking na hindi pa ito nagbabayad sa ilang rehiyon sa serbisyo ng libu-libong mga titser noong nakaraang May 2001 elections.

Sa ulat na isinumite ni DepEd Administrative Service Director Maximo Aljibe kay Secretary Raul Roco, hindi pa nababayaran ng COMELEC ang mga guro sa National Capital Region (NCR)at sa Region 3, 4, 7,10 at 11.

Kasama sa ulat sa Division of Caloocan City, umaabot sa P884,400 ang utang ng COMELEC sa mga guro dito.

Hiniling ni Undersecretary Ramon Bacani kay Comelec Chairman Alfredo Benipayo na bayaran nito ang mga honorarium ng mga guro sa loob ng 30 araw.

May nilagdaan Memorandum of Agreement (MOA)ang magkabilang panig kaugnay sa P900 bayad kada araw bilang serbisyo ng mga guro at non-teaching personnel sa eleksyon.

Babayaran ng P900 cash ang bawat guro ng Comelec sa unang araw nila habang ang balanse ay ibibigay matapos na isumite ang mga ballot boxes sa kanila. (Ulat ni Danilo Garcia)

ADMINISTRATIVE SERVICE DIRECTOR MAXIMO ALJIBE

COMELEC CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIVISION OF CALOOCAN CITY

MEMORANDUM OF AGREEMENT

NATIONAL CAPITAL REGION

SECRETARY RAUL ROCO

UNDERSECRETARY RAMON BACANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with