Praning na nang-hostage ng misis, sumuko sa sobrang pagod
February 22, 2002 | 12:00am
Sumuko kahapon sa pulisya ang na-praning na mister na humostage sa kanyang misis nang halos dalawang araw matapos itong mapakiusapan ng pulisya dala na rin ng pagod at awa sa asawa nitong buntis.
Nabatid mula pa kamakalawa ng hapon ayaw pakawalan ni Danjohn Albito, alyas Dan, ng Brgy. Concepcion Uno Marikina City ang kanyang asawang si Imelda na dalawang buwang nagdadalantao dahil nakatutok dito ang isang kutsilyo habang nilalansi ng pulisya.
Napag-alaman, nag-umpisa ang panghohostage ni Dan dakong alas-3 kamakalawa pa ng hapon matapos na bumigay umano ang katinuan nito dahil sa matinding problema. Hinablot nito ang kanyang asawang si Imelda at nagbabala na papatayin niya ito.
Hindi naman naawat ni Lita Albito,ina ng suspek ang kanyang anak nang magwala ito dahil inakusahan niya ang una na pumatay sa kanyang pamilya at siya na raw ang isusunod nito.
Bago ang insidente, madalas makitang tahimik si Dan at malalim ang iniisip dahil nasibak ito sa trabaho bilang xerox machine operator.
"Siguro dinamdam niya ang pagkawala ng kanyang trabaho kasi hindi na niya alam kung saan siya kukuha ng pera para sa panganganak ng kanyang asawa," anang ina nito.
Hindi na nakuha ng pulisya na bombahin ng tubig ang suspek para madamba ito at mailigtas si Imelda.
Si Dan ay dadalhin ng pulisya sa mental hospital para mapasuri ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest