^

Metro

Erap hinihintay na ng mga kakosa sa QC jail

-
Hinihintay na si dating Pangulong Estrada ng kanyang mga magiging ka-kosa sa Quezon City jail.

Nabatid na sa sandaling tanggapin ng special division ng Sandiganbayan ang motion ng prosecution team ay ililipat na ito sa nasabing kulungan habang dinidinig ang kasong pandarambong.

Tiniyak ni QC Jail warden Supt. Primitivo Benitez, na walang special treatment na maibibigay ang QC jail dahil na rin sa kawalan ng magandang lugar upang mabigyan ng espasyo ang dating Pangulong Estrada.

Ayon kay Benitez, wala silang magagawa kundi ang ibigay kay Estrada ang sinasapit ding kondisyon ng mga ordinaryong preso na miyembro ng iba’t ibang gang.

Masyado nang overpopulated ang nasabing piitan kung kaya’t hindi na maari pang gumawa ng isang kuwarto para lamang sa dating pangulo.

Sinabi ni Benitez, mabibigyan lamang niya ng maximum security si Estrada at hindi ang airconditioned at solong kuwarto na inaasahan nito.

Tiniyak ni Benitez, na handa na silang tanggapin si Estrada at ipatupad nila ang regulasyon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nasiyahan naman ang iba’t ibang miyembro ng gang tulad ng Sigue-Sigue Sputnik, Bahala Na Gang, Commando at Batang City Jail sa balitang paglilipat kay Estrada sa nabanggit na piitan.

Sa katunayan umano ay matagal na nilang inaasahan ang pagdating ni Estrada pero nababalam ito sanhi ng mga motion na masyadong matagal na dinidinig sa Sandiganbayan.

Matatandaan na iginigiit ng mga militanteng grupo sa pamahalaang Arroyo na hindi dapat na bigyan ng anumang VIP treatment si Estrada dahil ito ay may kasong kriminal. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BAHALA NA GANG

BATANG CITY JAIL

BENITEZ

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DORIS FRANCHE

ESTRADA

PANGULONG ESTRADA

PRIMITIVO BENITEZ

QUEZON CITY

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with