^

Metro

Hijacking group nabuwag, lider na ex-Army tiklo

-
Naaresto ng pulisya ang dating miyembro ng Phil. Army na umano’y lider ng grupo ng mga hijackers kasama ang tatlo pang katao sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa Navotas at Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Rafael Sukayan, 45, umano’y lider ng nasabing grupo, ng Phase 6, Little Baguio, Miramonte Heights, Caloocan City; Joseil Villanueva, 25, tubong-Saranggani, ng C-4 Tañong, Malabon City; Bantres Cachero, 34, at Johnny Duran, kapwa tubong-Catbalogan, Samar, ng Sipak Dagat-Dagatan, nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang unang naaresto ang tatlong miyembro sa kanilang safehouse sa Navotas hanggang sa itinuro ng mga ito kung saan nagtatago si Sukayan sa Bagong Silang.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay matapos na magsumbong ang asawa ni Joel Mendoza sa mga awtoridad nang dukutin umano ang asawa nito ng kanyang mga ka-grupo dahilan lamang sa hindi patas na partihan sa pera.

Ang mga suspek ang sinasabing responsable sa pag-hijack sa isang 40-footer container van, may plate no. PKT-703 na naglalaman ng ilang kahon ng computer monitors na nagkakahalaga ng P6M at pag-aari ng isang Irene Tabucol, 44, ng South-Eastern E Trucking, 3-3 Road, Navotas noong Peb. 16, 2002 sa Doña Juana Rodriguez st., New Manila, QC, dakong alas-3:40 ng madaling-araw.

Dahil na rin sa pagsusumbong ng asawa ni Mendoza sa mga awtoridad kung kaya’t kaagad na natunton ng pinagsanib na puwersa ng Caloocan police at District Police Intelligence Unit (DPIU) ang kuta ng mga suspek.

Pinaniniwalaan naman ng mga awtoridad na nalansag na ang grupo ng mga suspek matapos na maaresto ang lider.

Narekober mula sa mga suspek ang ilang piraso ng fatigue uniform, iba’t ibang uri ng bala ng baril, pekeng mga identification cards (ID) at mga alahas. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BAGONG SILANG

BANTRES CACHERO

CALOOCAN CITY

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

GEMMA AMARGO

IRENE TABUCOL

JOEL MENDOZA

JOHNNY DURAN

NAVOTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with