2 sekyu ng Globe Telecoms tiklo sa P1-M cellphone
February 21, 2002 | 12:00am
Dalawang guwardiya ng Globe Telecom ang nadakip ng pulisya matapos looban ang head office ng naturang kumpanya at matangay dito ang 48 piraso ng cellphone na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P1 milyon, kamakalawa sa Makati City.
Himas-rehas ngayon sa Makati City Police detection cell ang mga suspek na sina Louie Castro, 30, ng 2469-A Binoy st., Balut, Tondo, Maynila at Arthuro Bandojo, 32, ng Rawis Sambayanan st., Don Bosco ng nabanggit na lungsod, kapwa dating sekyu ng Globe Telecom Business Center na matatagpuan sa Park Square 1, Pasay Road.
Sa report ni PO3 Reymond Bilgera ng Theft and Robbery Section, Makati City police, noong Pebrero 17, dakong alas-10:30 ng gabi nang looban ng mga suspek ang nabanggit na kumpanya at natangay ang 48 pirasong assorted cellphone na nagkakahalaga ng P1 milyon.
Dahil sa ilang saksing guwardiya kaya nakilala ang mga suspek na naging sanhi ng pagkakaaresto sa kanilang pinagtataguan. Narekober sa mga ito ang ilang pirasong cellphone.
Inamin naman ng mga suspek ang ginawa nilang panloloob at pagnanakaw.
Ayon kina Castro at Bandojo, kaya sila nakagawa ng masama ay dahil sa hirap ng buhay at nais nilang matustusan ang nagugutom nilang pamilya. Handa umano silang humingi ng tawad sa may-ari ng Globe Telecom. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended