2 misis ginawang punching bag
February 19, 2002 | 12:00am
Dahil sa hindi umano kaagad hinandaan ng pagkain para sa hapunan, ginawang punching bag ang dalawang ginang ng kani-kanilang live-in partner habang ang mga ito ay lasing sa magkahiwalay na insidente kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Kinilala ang unang biktimang si Grace Mifune, 29, walang trabaho, ng #2832 E. Zobel St., nagtamo ng mga pasa sa mukha at katawan sanhi ng matinding gulpi ng ka-live-in na si Serveriano Alesna Jr., 23, walang trabaho, ng nasabing lugar.
Sa report na natanggap ni P/Insp. Solitaire Montayre, hepe ng Women and Childrens Desk Unit, Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-10 kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lugar.
Umuwi umanong lasing ang suspect at nang hindi ito nahandaan kaagad ng hapunan, ginawang punching bag ang biktima at tinangka pang saksakin.
Ang isa pang biktima ay nakilala namang si Dolores Yaldua, 43, ng #1180 Batangas St., Brgy. Pio del Pilar, Makati. Inireklamo nito ang panggugulpi ng suspect na si Ariel Yaldua.
Naganap naman ang pambubugbog dakong alas-10 kamakalawa ng gabi nang umuwi rin itong lasing. Tulad ng naunang ginang, nang hindi agad mahandaan ng hapunan ay ginulpi rin ang babae. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended