Bold films pinapipigil ng ama ng boldstar
February 18, 2002 | 12:00am
Isang menor de edad na bold star ang napipintong humimas ng rehas makaraang ipagharap ito ng kaso ng sariling ama kasabay ng kahilingan na mapigil ang pagpapalabas ng pelikula nito.
Si Engineer Aurelio P. Tambis Jr., 61, ng Gaviola Compound, ng Kaunlaran St., Commonwealth Avenue, Quezon City ay kinakatawan ni Atty. Melanio Mauricio Jr., na kilala bilang Atty. Batas sa GMA-7 at ama ng baguhang artista na si Aleck Bovick o Maria Teresa Bovick.
Si Bovick ay gumaganap ng isang supporting role sa pelikulang Kaulayaw na ngayon ay ipinapalabas na sa mga sinehan sa buong bansa. Sa isa pang pelikula, ang Tampisaw, siya na ang bida dito bagamat ipalalabas pa lamang ito.
Sa dalawang pelikulang ito, hindi lamang nagpakita ng katawan si Bovick. Siya ay nakunan din ng mga maiinit na mga eksena ng pakikipagtalik sa kanyang mga leading men.
Ayon kay Engr. Tambis, sa sobrang selan ng mga eksenang ito, ni Bovick ay hindi pa ito puwedeng panoorin.
Sa hablang inihain sa Quezon City Regional Trial Court, sinabi ni Atty. Mauricio na bilang guardian, tagapangalaga at nag-iisang magulang ni Bovick, si Engr. Tambis at may karapatang pigilin ang pagpapalabas ng mga nasabing pelikula, at humiling na maipakulong ito dahil sa kanyang mga ginawang pelikula.
Sinabi ni Atty. Mauricio na ang paggawa ng mga pelikula ni Bovick ay maliwanag na exploitation o pananamantala ng isang bata, na pinapatawan ng kaparusahanng Anti Child Abuse Law, Republic Act 7610.
Sinabi pa ni Atty. Mauricio na ang pagsasagawa ng mga malalaswang palabas na kinasasangkutan ng mga menor de edad na kabataan ay maaaring parusahan ng pagkakakulong ng hindi bababa sa walong taon.
Ang mga kompanyang nagsagawa nito ay maaari ding maipasara. sa paglabag sa Artikulo 223 at Artikulo 224 ng Family Code ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga magulang na humingi sa mga hukuman ng mga disciplinary measures, kasama na ang pagpapakulong ng bata, para mapigilan ang iba pang pang-aabuso dito. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended