^

Metro

Utak ng ilegal na koneksiyon ng tubig, tiklo

-
Pinaniniwalaang nabuwag na ng mga engineers ng Inspectorate and Anti-Fraud Dept, ng Maynilad Water Services kamakailan ang lider ng sindikatong responsable sa mga ilegal na koneksyon ng tubig sa Metro Manila.

Kinilala ni Gerry Pilapil, hepe ng Anti-Fraud ang suspect na si Jaime Argonza ng Paghanapin St., Tondo, Manila nang maaktuhan itong nagkakabit ng ilegal na koneksyon sa mainline ng Maynilad sa Port Area, Manila.

Ito ang kaunahang citizens arrest na nagawa ng mga engineers mula sa Maynilad.

Nabatid na ang sindikato ni Argonza ay nakapagnakaw na ng tinatayang P.5 M na halaga ng serbisyo sa tubig dahil sa mga illegal connections na ginawa ng mga ito.

Isang taon na ring nakalabas ang warrant of arrest laban sa suspect.

Sa ulat ng Inspectorate office ay nabatid na matagal ng nagpapanggap si Argonza bilang isang empleado ng Maynilad sa mga interesado na magkaroon ng malakas na supply ng tubig kapalit ng halagang P12,000.

Madaling nakukumbinsi ang mga biktima ni Argonza dahil sa mga ID’s at iba pang dokumento na mula sa Maynilad na ipinapakita nito.

Ang suspect ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 8041 o kilala bilang National Water Crisis Act of 1995. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

ARGONZA

GERRY PILAPIL

INSPECTORATE AND ANTI-FRAUD DEPT

JAIME ARGONZA

MAYNILAD

MAYNILAD WATER SERVICES

METRO MANILA

NATIONAL WATER CRISIS ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with