^

Metro

Writer ng 'The Padilla Files', ipinapaaresto

-
Nagpalabas ng warrant of arrest si Quezon City Regional Trial Court Judge Diosdado Peralta laban sa isang manunulat na napatunayang nagkasala ng libelo matapos na magsulat ng mga nakasisira sa ina ng tinaguriang Bad Boy of Philippine Cinema na si Robin Padilla.

Ito’y matapos na hindi dumating sa promulgation noong Biyernes at maging sa arraignment noong Oktubre 3, 2000 si Ma. Urduja Osit, mas kilala sa pangalang Ma. Urduja Li, noong Biyernes sa sala ni Peralta.

Ayon kay Mary Ruth Ferrer, branch clerk of court, sinabi nito na wala si Osit sa kanyang ibinigay na address sa Sta. Mesa. Pinangangambahan na nakaalis na ito ng bansa.

Si Osit ay nahatulan ng korte na makulong ng dalawang taon matapos na mapatunayang may malisya sa kanyang pahayag sa Star Talk ng Channel 7 at sa librong isinulat nito na "The Truth Behind Lies: The Padilla Files."

Bukod sa dalawang taon na pagkakulong, inatasan din ni Peralta si Osit na bayaran ang action star ng P2 milyon bilang moral damages at attorney’s fees na P100,000. (Ulat ni Doris Franche)

BAD BOY OF PHILIPPINE CINEMA

BIYERNES

DORIS FRANCHE

MARY RUTH FERRER

OSIT

PADILLA FILES

PERALTA

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE DIOSDADO PERALTA

ROBIN PADILLA

SI OSIT

STAR TALK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with