^

Metro

Bading kinalasan, nobyo sinaksak bago nagsaksak sa sarili

-
Naging madugo ang Araw ng mga Puso nang hindi matanggap ng isang bading ang ginawang pagkalas ng nobyo na nakatakdang magpakasal sa nobya nito, kaya ito ay kanyang pinagsasaksak bago nagsaksak sa sarili kahapon ng madaling araw sa Tondo, Manila.

Nasa kritikal na kalagayan at nanganganib na mabulag ang biktimang si Westley Cortaga, 19, ng nasabing lugar matapos magtamo ng saksak sa kaliwang mata, likod at kanang kili-kili.

Tinangka namang magpakamatay ng suspect na si Eulisis Romulo, 37, ng Madrid Ext. nang saksakin nito ang sarili nang ito ay arestuhin ng mga awtoridad.

Sa imbestigasyon, ganap na alas-4 ng madaling araw nang komprontahin ng suspect ang biktima dahil sa nabalitaan nitong planong pagpapakasal sa nobya.

Dahil sa sobrang selos nagdilim umano ang paningin nito at pinagsasaksak ang nobyo.

Nang dumating ang mga nagrespondeng pulis para arestuhin ang suspect ay itinarak nito ang kutsilyo sa sarili.

Ang dalawa ay kapwa isinugod sa Chinese Gen. Hosp. habang inihahanda ng pulisya ang kasong frustrated homicide laban sa suspect. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ARAW

CHINESE GEN

DAHIL

ELLEN FERNANDO

EULISIS ROMULO

MADRID EXT

NANG

PUSO

TINANGKA

WESTLEY CORTAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with