Seaman tinodas ng karibal
February 14, 2002 | 12:00am
Matapos na mapasagot ang nililigawan,isang 28-anyos na seaman ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng karibal sa pag-ibig habang dumadalaw ito sa bahay ng una, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Dead-on-arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan at mukha ang biktimang si Crisostomo Basalangui ng #46 Torres St. ng nasabing bayan.
Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Cenon de Leon ng Merville Subd. na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang insidente sa Merville Subd. habang patungo ang biktima sa bahay ng girlfriend nitong si Rose.
Pababa na umano sa tricycle na sinasakyan ang biktima sa tapat ng bahay ng kanyang nobya nang bigla na lamang itong lapitan ng suspect at saka pagbabarilin ito.
Ayon kay PO1 Reynaldo Gabatin, ang suspect umano ang siyang pinakamahigpit na karibal ng biktima nang nanliligaw pa lamang ito sa kanyang nobya kung kayat maaari umanong nagtanim ng galit ang una sa huli.
Posible umanong hindi matanggap ng suspect na basted siya ng nililigawan at hindi matanggap ang kanyang pagkatalo kung kayat naghiganti ito sa karibal. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended