Tri-tran inireklamo
February 13, 2002 | 12:00am
Nagharap ng reklamo ang isang opisyal ng Star Group of Companies laban sa isang provincial bus company matapos mawala ang isang sakong bigas sa bus terminal nito sa Pasay City noong Biyernes.
Kinilala ang nagreklamong si Dennis Beltran, 40, tubong Marinduque, acting chief security ng Star Group.
Ayon kay Beltran, naganap ang insidente noong Biyernes dakong alas-9:30 ng gabi sa Tri-Tran terminal sa panulukan ng Taft Ave. at Gil Puyat, Pasay City.
Nabatid na uuwi ng Marinduque si Beltran at sumakay ng bus na may body #710.
Nagpatulong ito sa kargador na malagay sa baggage compartment ang dalang isang sako ng bigas.
Makalipas ang ilang sandali ay tiningnan muli ni Beltran ang dalang bigas ngunit wala na ito sa baggage compartment na unang pinaglagyan.
Agad na pinagbigay alam ni Beltran ang pangyayari sa management ng Tri-Tran pero binalewala lamang ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended