Humihimas ng rehas na bakal sa Central Police District Station 11 detention cell ang suspect na si Arturo Reyes, tricycle driver, ng #32 Biak-na-Bato, Brgy. Sto. Niño, Galas, QC.
Si Reyes ay sinampahan ng seven counts ng kasong rape ng biktimang si Annie (di-tunay na pangalan) matapos na huling gahasain ito noong Enero 23 sa kanilang tahanan.
Batay sa rekord ng pulisya, una siyang ginahasa noong Hulyo 4, 2001 sa servants quarter na may nakatutok na patalim.
Ayon sa biktima, inutusan siya ng suspect na hubarin ang kanyang damit at pumatong nang hubot hubad sa kanya.
Palagi rin siya umanong binabantaan ng suspect na papatayin kung siyay magsusumbong.
Napilitang magsumbong si Annie sa tiyahin nang bumisita isang gabi at mapansing malaki ang tiyan ng biktima.
Inamin din ni Annie na siya ay limang-buwan nang buntis at ang ama ay ang tatay ng kanyang amo.
Lumilitaw sa isinagawang police interrogation na inamin ng suspect ang panggagahasa subalit itinangging siya ang ama ng dinadala nito. Ayon sa suspect, hindi na raw birhen ang biktima nang ito ay kanyang galawin. (Ulat nina Doris Franche at Jhay Mejias)